Thailand
Ang Thailand ay ang pinakamalaking bansa sa timog-silangang asya.Sila ang ika-49 na pinakamalaking bansa sa mundo.Ang Thailand ay tahanan din ng iba't-ibang kultura at isa sa pinakamahalaga nilang kultura ay ang pag-ngiti.Ang ibig sabihin ng "Thailand" ay "Land of Free" na tinagurian ding "Land of Smiles" ang bansang ito dahil kilala sila bilang palangiti sa mga turista.Ang opisyal nilang wika ay tinatawag nilang "Thai" o "Thai Language" na ang ibig sabihin ay "Free" o "Kalayaan". Ang punonglungsod at ang pinakamalaki nilang lungsod ay ang Bangkok.Ang tawag sa pera ng mga taga Thailand ay tinatawag na " Thai Baht".Ang kanilang pambansang awit ay tinatawag nilang "Phleng Chat Thai" at ang kanilang maharlikang awit ay "Sanseon Phra Barami". Ang kanilang pambansang laro ay " Muay Thai" kung saan naglalaban ang dalawang kalahok gamit ang kanilang mga paa,tuhod,kamay at siko.Ang pagkain ng mga taga Thailand ay kilala bilang maaanghang.Kilala din ang kanilang bansa dahil sa masarap na pagkain sa gilid ng kalsada.
Mahilig sila sa sining napaka-unlad ng kanilang sining na makikita sa kanilang mga pananamit,gusali,disenyo,palamuti at mga pagtatanghal.Ang tradisyonal na kasuotan at damit ay tinatawag nilang "Chut Thai" na maaaring isuot ng mg lalaki,babae at bata.Ang ikinabubuhay ng mga taga Thailand ay paghahabi o paglikha mismo ng kanilang mga kasuotan,pag -aari,pagsasaka at pangingisda.Kilala rin ang kanilang bansa sa floating market o mga pangangalakal na nasa bangka habang bumabaybay sa anyong tubig.Ang Thailand ay isang Buddhist country dahil sila ay naniniwala kay Buddha.Hindi lamang sa Buddha naniniwala ang mga taga Thailand kundi naniniwala din sila sa mga espiritu.Naniniwala sila na ang mga maliliit na bahay na gawa sa kahoy ay tinitirahan ng mga buhay na espiritu kung saan nag-aalay sila dito ng pagkain at inumin upang mapanatiling masaya ang mga espiritung nakatira dito.Ang Loy Krathong Festival ay ang festival of lights na ipinagdadaraos taon-taon tuwing ika labin dalawang buwan sa kalendaryo ng lunar at kadalasan ito ay nagaganap sa buwan ng Nobyembre.Ang krathong ay pinalulutang sa tubig na siyang pinaniniwalaan bilang pagpupugay sa dyosa ng tubig.
Ang mga tradisyon ng mga taga Thailand ay:
•Ang pagdikit ng mga palad at pagyuko sa tao ay tanda ng pagbati at paggalang.Ang bansang Thailand ay may malaking paggalang sa mga LGBT Community. Pinagbabawal nila ang paghawak ng ulo ng sinumang tao,sinasabing ang ulo ng tao ang pinaka sagradong bahagi ng katawan ng tao.Ang paa naman ang pinaka hindi bilang tanda na pagyapak sa lupa na nagsisimbolo ng pagdurusa ng tao.Kapag ikaw naman ay magpapalipas ng gabi sa isang bahay,kailangan mo munang magdasal at humingi ng pahintulot sa espiritu ang tawag nila dito ay "Phra Phum" na ang ibig sabihin ay espiritu ng kalupaan.Kapag may bibisitahin kang mga bahay, panatilihin ang kaugalian ng pagtanggal ng saplot sa paa,bilang paggalang. Kapag bibisita ka sa bahay ng isang Thai, dapat may dala kang regalo, ngunit dapat ikaw mismo ang magbukas ng regalong iyon para sa kanila. Ang mga Thai ay hindi ginagalaw o bubuksan ang regalo mo hangga't hindi mismo ikaw ang gagawa. Ang tawag nila sa tradisyon na ito ay "Grengjai" na nangangahulugang "pagbibigay halaga o kilala".Pinagbabawaldin nila ang pangduduro sa mga Thai, isa itong kabastusan at pagkawala ng galang. Kung nais mong ituro ang isang tao, buksan mo ng buo ang iyong palad habang nakaturo ito sa sahig habang ang palad ay nakaharap sa itaas.Pinaniniwalaan nila na hindi sila pwedeng magpagupit ng buhok tuwing Miyerkules at kapag ikaw daw ay nanaginip ng ahas na nakapulupot sa katawan mo ibig sabihin ay makikilala mo na ang soulmate mo,ngunit kung mayroon nang kasintahan noong mga panahong iyon ibig sabihin ay may nagkakagusto sa'yo.Naniniwala din sila na hindi mo dapat sabihan ng nakakabighani o mga magagandang salita tungkol sa mga bata dahil may darating na multo at kukunin ito.
Ang panitikan ng bansang Thailand ay may malaking impluwensiya galing sa India at China dahil na rin sa lokasyon nito.Katulad ng ibang bansa na nabibilang sa Asya,tinaguriang mas relihiyoso o maka-diyos ang kanilang panitikan dahil kadalasan sa kanilang panitikan ay tungkol sa Hinduismo at Buddhismo.Ang ilang halimbawa ng kanilang akdang panitikan ay ang " The Romance of Khun Chang Khun Pham","Mahachat","Ramakian" at iba pa.Ang "Nirat Poems" ay isang uri ng panitikan ng Thailand kung saan ito ay may temang paglalakbay,paghihiwalay at pagmamahal.Ang "Sunthorn Phu" ay isa sa pinakadakila at pinakaimportanteng poet sa Thai Literature.Ang"Ramakien" naman ay ang bersyon ng Thailand ng epikong Ramayana,pambansang epiko ng Thailand.
Comments
Post a Comment